ILANG RESIDENTE AT MOTORISTA SA ASINGAN, INIREKLAMO ANG LUBAK-LUBAK NA KALSADA SA ARISTON-BANTOG, ASINGAN

Inireklamo ng mga residente at motorista sa Barangay Ariston East, Ariston West, at Bantog sa Asingan ang malubak at baku-bakong kondisyon ng kanilang kalsada.

Dahil sa matinding pagkasira, madalas na nagkakaroon ng aksidente lalo na sa mga motorista.

Nitong Hulyo, nagsumite na ng joint resolution ang mga punong barangay sa Pamahalaang Panlalawigan para humiling ng agarang reblocking ng mga nasirang bahagi ng provincial road. Ayon sa mga opisyal, ang pagkukumpuni ay nasa responsibilidad ng Provincial Government.

Ang reblocking ng dalawang kilometro ng kalsada ay nakatakdang simulan pagkatapos humupa ang ulan. Kasama rin sa plano ang pagsasaayos ng kalsada hanggang boundary ng Asingan-Urdaneta road upang mapabuti ang kaligtasan ng mga nagdaraan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments