Ilang residente na naospital dahil sa ammonia leak sa Navotas, nakauwi na

Courtesy: Earlo Gabriel Bringas | Facebook

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Navotas na nakauwi na ang 21 mga residente na naisugod sa ospital dahil sa ammonia leak mula sa isang cold storage sa Brgy. Northbay Boulevard North.

Dahil dito dalawa na lamang ang nananatili sa Navotas City Hospital.

Samantala bagama’t ligtas na sa lugar ay nananatili pa ring naka-standby ang mga health worker ng Navotas.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

Facebook Comments