Ilang residente ng Bilibid, sumugod sa DOJ

Nagrally sa harap ng DOJ sa Padre Faura sa Maynila ang ilang residente ng Bgy. Poblacion sa Muntinlupa City na sakop ng New Bilibid Prisons o NBP.

Tinututulan ng mga residente ang nakatakdang demolisyon sa kanilang lugar. Nagpadala din ng liham sa tanggapan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Kalipunan ng mga mamamayan na pinagkaisa sa NBI Inc., o KAMPINA.

Umapela sila sa kalihim na mamagitan na sa kanilang problema  matapos maglabas ng kautusan si Bureau of Correction Dir. General Nicanor Faeldon na nag-uutos sa kanilang lisanin na ang kanilang mga bahay na nakatayo sa mga lupaing pag-aari ng NBP.


Ayon sa mga apektadong residente, Enero pa nitong taon, pinutulan na sila ng supply ng kuryente at tubig.

Facebook Comments