
Aabot sa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa purok 3 Quapeza Compound Brgy. Cupang Muntinlupa City.
Ayon sa Muntinlupa LGU, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa sa light materials ang mga bahay na tinupok ng sunog sa kabila ng mabilis na pag responde ng Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers mula sa iba’t ibang LGUs.
Agad naman inatasan ni Mayor Ruffy Biazon ang Social Services Department na mag mobilize para matanggap kaagad ng mga biktima ang kanilang non-food relief items maging ang financial assistance base narin sa ipinasang ordinansa ng lungsod na pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang biktima ng sunog.
Wala naman naitalang nasawi sa naganap na sunog sa Muntinlupa maliban sa isang sugatan na dinala sa pinakamalapit na ospital.
Paalala ng LGU mag-ingat lagi lalo na ngayong panahon ng tag init at wag gumamit ng kandila o wag mag iwan ng mga nakasaksak na gamit sa kung sila ay aalis ng bahay.









