ILANG RESIDENTE NG BRGY. PANTAL, DAGUPAN CITY, NABIKTIMA NG MGA PEKENG NANGONGOLEKTA SA BAYAD BASURA

Nagbabala ang barangay council ng Brgy. Pantal, Dagupan City sa mga residente nito ukol sa umano’y mga indibidwal na nangongolekta ng bayad sa basura.
Ayon sa Barangay Council, Naganap umano ang insidente sa Di-Or Village, Pag-Asa Village at Trinidad Subdivision matapos may magpakilalang mangongolekta ng bayad sa basura ngunit walang pirma o pangalan ang ibinigay na resibo.
Ayon sa barangay council, kinakailangang may pirma at pangalan ang resibo dahil tanging awtorisadong tauhan lamang ng tanggapan ang maaaring mangolekta ng bayad.

Hinihikayat ng barangay council ang publiko na kilatisin ang mga nagpapakilalang collector ng bayad at i-report sa tanggapan ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments