Mas pipiliin umano ng ilang residente sa island barangays ng Dagupan City ang pagsakay sa motorbanca kahit pa matapos ang konstruksyon ng itatayong Calmay Bridge.
Paliwanag ng ilang residente, ito na ang nakasanayan nila sa loob ng maraming taon at tiyak na mas mabilis dahil walang traffic.
Ilang driver ng motor banca naman ang kumpyansa na hindi makakaapekto sa hanapbuhay ng mga ito ang pagpapatayo ng naturang istruktura sa maaring pagtangkilik ng mga pasahero sa ibang pampublikong transportasyon.
Samantala, ilan naman ang nagpahayag na naniniwala sa kabutihan ng proyekto para sa mga mananakay at motorista sa pagpapabilis ng biyahe patungong Western Pangasinan.
Isasagawa ang groundbreaking ceremony ng Calmay Bridge sa darating na December 20. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨