Ilang residente ng Lanao del Norte, lumikas

Lumikas papuntang Iligan at Ozamis City ang ilang residente sa Lanao del Norte dahil sa umano’y banta ng pambobomba sa araw ng ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Chief Superintendent Timoteo Pacleb, regional director ng Police Regional Office 10, patuloy ang kanilang beripikasyon na may banta sa bayan ng Lala, Sultan Naga Dimaporo, Kapatagan, Tubod at Baroy.

Aniya, nasa 2,000 PNP personnel ang ipinadala sa Lanao del Norte kabilang ang Special Action Force (SAF) para magbantay sa daan at italaga sa checkpoints.


Ang plebisito ngayong araw ay sasaklaw sa anim na bayan sa Lanao del Norte at 67 barangay sa North Cotabato.

Facebook Comments