Ilang residente ng Manicani Island sa Eastern Samar, nasa Metro Manila para makipag-diyalogo sa DENR

Manila, Philippines – Sa harap ng napipintong pagtanggal ni DENR Secretary Roy Cimatu sa pagbabawal sa open-pit mining ban , lumuwas sa Metro Manila ang ilang residente ng Manicani Island sa Eastern Samar.

Nais ng grupo na makipag diyalogo kay Cimatu upang hilingin na huwag nang payagan ng ahensya na makapagpanibago ang Hinatuan Mining Corporation ng kanilang MPSA o Mineral Production Sharing matapos na magpaso ang MPSA nito noong Oktubre.

Kasabay nito, inilatag naman ni dating Environment Secretary Gina Lopez ang isang plano para sa alternatibong kabuhayan sa Manicani Island na nasira dahil sa pagmimina sa lugar.


Facebook Comments