Ilang residente ng Pasig, wala pa ring tiwala sa bakuna kontra COVID-19

Takot o duda pa rin sa bakuna kontra COVID-19 ang ilang residente ng lungsod ng Pasig.

Sa pag-ikot ng DZXL 558, tinanong namin ang ilang ordinaryong residente ng lungsod na kung sakaling maging available na ang bakuna, magpapaturok ba sila nito.

Anila, hindi muna sila magpapaturok ng bakuna kahit libre pa ito.


Batid nila na kumuha na ng 400,000 doses ng vaccine si Mayor Vico Sotto para COVID-19 sa AstraZeneca na ibibigay nang libre sa 200,000 na mga residente ng lungsod.

Kung sakiling mapili sila rito, anila ay tatanggi muna sila.

Mungkahi nila na mauna munang magpaturok ng nasabing vaccine ang mga opisyal ng lungsod.

Matatandaang ang Pasig ang pinakaunang lokal na pamahalaan ng Metro Manila na pumirma ng Tripartite agreement sa AstraZeneca upang matiyak na nakakuha ang lungsod ng nasabing vaccine.

Facebook Comments