ILANG RESIDENTE NG SITIO KOREA, BONUAN BINLOC SA DAGUPAN CITY, PANAWAGAN ANG PAGSASAAYOS NG DRAINAGE SYSTEM

Nananawagan ang ilang residente sa Sitio Korea, Bonuan Binloc, Dagupan City na maisaayos na ng mga maihahalal na opisyal sa lungsod ang matagal ng problema sa drainage system sa lugar.
Ani ng ilang residente, hindi pa rin umano maayos ang daluyan ng tubig dahilan upang lubos na maapektuhan sila ng pagbaha tuwing tag-ulan.
Pangamba ng ilang residente na pagmulan ng sakit ang naiimbak na tubig lalo ngayong nararanasan na ang pabugso-bugsong pag-ulan sa ilang bahagi ng Pangasinan.
Ayon sa barangay council, mayroon na umanong inilaang pondo para sa pagsasaayos ng naturang drainage system.
Bukod dito, umaasa rin ang ilan na magkaroon ng programa at proyektong mabebenipisyuhan ang mga mahihirap para mairaos ang pang araw-araw na pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments