Ilang residente sa Umingan, na nasa ilalim ng State of Calamity, ang nagpahayag ng hinaing online dahil sa umano’y hindi patas na pagpili ng benepisyaryo sa ipinapamahaging relief sa bayan.
Ayon sa ilan, may mga nakakatanggap umano na hindi naman lubos apektado habang hindi natutulungan ang ilang mas nangangailangan ng tulong maging ang pagiging malapit sa tagalista sa barangay upang mapasama sa listahan.
Sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, naging masusi ang pagbuo sa listahan ng mga benepisyaryo batay sa aktwal na assessment ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) at pakikipagtulungan sa Municipal Social Welfare and Development Office upang maibigay umano sa mga pinaka apektadong residente batay sa datos at totoong pangangailangan.
Nakikusap naman ang tanggapan sa pang-unawa ng publiko sa panahon ng sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









