Umaasa ang ilang residente na nakatira malapit sa coastal area na maiibsan ang pagbaha sa isinasagawang dredging operation sa Pantal River.
Tulad ni Elvira, residente ng Brgy. Pantal, malaking bagay umano ang pagdadraga ngayon sa nasabing ilog upang kahit papaano ay maibsan ang malalim na pagbaha sa kanilang bahagi tuwing nakararanas ng bagyo at high tide.
Bukod dito, nagagamit rin umano nila ang mga naidraga bilang pangtabon at maitaas ang daanan at ibang parte ng kanilang tahanan.
Aniya, mataas rin ang tubig baha sa kanila tuwing may dumadaan na bagyo kaya ang pagpapalalim pa sa ilog ay tiyak na makatutulong upang hindi dumaloy sa kanilang mga kabahayan ang mataas na antas tubig.
Sa ngayon, tinitiyak na tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng nasabing operasyon at nagagamit ng maayos ang mga kagamitan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









