Panawagan ng ilang residente sa Barangay Real, Urbiztondo ang agarang pagsasaayos ng malubak na bahagi ng kalsada sa kanilang lugar.
Ayon kay Brgy Treasurer Josephine T. Fortin, matagal na rin umano na problema ang naturang bahagi dahil sa ilang aksidente na naitala.
Madalas umanong nadidisgrasya sa bahagi ay ang mga bumibisita dahil hindi pamilyar sa lugar.
Naidulog na rin umano ito sa lokal na pamahalaan at nakatakda umanong malagyan ng aspalto ngunit hanggang ngayon ay patuloy na naghihintay ang barangay.
Pansamantala rin itong nilagyan ng signage at buhangin bilang pantapal sa bako-bakong bahagi na mula umano mismo sa inisyatiba ng punong barangay.
Unang idinulog ng isang netizen sa IFM Dagupan ang naturang reklamo dahil sa posibleng aksidente ngayong tag-ulan kapag hindi umano napansin ng mga motorista ang butas sa kalsada tuwing bumabaha.
Sa ngayon, umaasa ang mga residente na agad na itong mabigyang pansin upang ligtas ang mga motoristang dadaan sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









