ILANG RESIDENTE SA DAGUPAN CITY, SINIMULAN NANG AYUSIN ANG MGA BUBONG AT ALULOD NG BAHAY NGAYONG NAGSIMULA NA ANG PANAHON NG TAG-ULAN

Sinimulan na ng ilan sa residente sa Dagupan City ang pagsasaayos at pagtatapal ng mga butas ng bubong at alulod ng kanilang mga bahay ngayong nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.
Anila, mahirap umano kung sakaling maabutan ng malalakas na ulan at bagyo ang mga hindi natapos kumpunihin sa loob at labas ng kanilang mga tahanan.
Habang ang ila’y naglagay na rin ng mga gulong at maging itinali ang mga bubong para hindi tangayin ng malakas na hangin na sumasabay sa ulan.
Mainam na rin umano na maaga itong ma-isagawa upang hindi na rin mamoblema sa oras na may dumating na bagyo o sakuna.
Isa rin sa inaasahan nila ay hindi na umano sana magkaroon ng malalalim na pagbaha sa siyudad lalo ngayong naisaayos at naiangat na ang ilan sa mga kakalsadahan at bahagi na madalas makaranas ng pagbaha.
Samantala, nagbigay rin ng paalala ang PDRRMO ukol sa pagtingin sa mga kabahayan kung may mga sira ang bubong at alulod upang agad na maisaayos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments