ILANG RESIDENTE SA LUNGSOD NG SAN CARLOS, NANAWAGAN SA LGU NA MAGSAGAWA NG FOGGING OPERATION DAHIL UMANO SA SUNOD-SUNOD NA PAGKAKAROON NG SAKIT NA DENGUE SA KANILANG LUGAR

Nanawagan ang ilang residente sa Brgy. Pangpang sa Lungsod ng San Carlos sa lokal na pamahalaan ng lungsod na magsagawa ng fogging operation sa kanilang lugar matapos madapuan ang ilang indibidwal ng sakit na dengue.
Ayon sa panawagan ni Marian Sanhez Elguira ng Brgy. Pangpang sa social media, nag-rerequest ito sa LGU na magsagawa ng fogging sa kanilang lugar sa Purok 3 ng kanilang Barangay.
Sinabi nito na nag-positibo na ang tatay at asawa niya sa Dengue Test at kanya ring inihayag na nagkaroon na siya ng rashes sa kanyang katawan dahil para maniwala ito isa na itong sintomas ng pagkakaroon ng dengue.

Ayon sa kanya, sana raw ay maaksyunan na ito kung saan nailapit na ng IFM ang panawagan sa CDRRMO upang maaksyunan ito.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa CDRRMO, kinumpirmang may mga pasyente ng dengue sa lugar at sinabing hihingi nalang ang opisyales ng gamot na ginagamit sa fogging dahil sila na ang magsasagawa ng pag-fogging sa nasabing lugar. |ifmnews
Facebook Comments