Ilang residente sa Quezon City, nagpapanggap na adik para matulungan ng gobyerno

Quezon City – Kinumpirma ng Quezon City Police District na nagsasagawa sila ng random drug test sa mga residente sa QC.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang isang larawan na nagsasabing may mga pulis na nagbabahay-bahay para magsagawa ng pagsusuri kung adik nga ba ang nakatira sa pinuntahang bahay.

Paliwanag ni QCDP station 6 Lito Patay, nagsasagawa sila ng drug test dahil bukod sa makakatulong sa kanilang anti-illegal drugs campaign, sandata din anila ito para hindi mabiktima ng mga nagpapanggap na adik.


Noong nakaraang taon pa nagsimula magbahay-bahay katuwang ang mga tauhan ng brgy. na silang nakakaalam sa kilos ng mga residente.

Sinabi ni Patay, hindi sila namimilit na may isailalim sa drug test pero aniya pagkakataon na ito ng isang residente na malinis ang kanilang pangalan matapos ituro ng kapitbahay.

Hindi din makukulong kung sino man ang sumailaim sa pagsusuri kahit ano pa ang maging resulta ng drug test.

Facebook Comments