ILANG RESIDENTE SA TAYUG, INIREREKLAMO ANG HINDI TUGMANG PRESYO NG NAKADISPLAY NA BILIHIN SA BINABAYARAN SA CASHIER

Dumulog sa Sangguniang Bayan ng Tayug ang ilang mamimili hinggil sa umano’y magkaibang presyo ng mga bilihin na nakadisplay sa shelves sa binabayaran sa counter o cashier.

Dahil dito, pinulong ang mga kinatawan ng malalaking supermarkets sa bayan upang talakayin at bigyang-linaw ang isyu.

Pinaliwanag dito na dapat sundin ang mas mababang presyo kahit pa mas mataas ang halaga na lumabas sa cashier ayon sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Binigyang diin din sa pagpupulong ang karapatan ng mamimili at tungkulin ng tindahan na tiyaking tama ang presyo na ipinapakita.

Dagdag pa rito, iminungkahi ng ahensya na dapat magkaroon ng price verifier ang bawat supermarket upang masigurado ng mamimili ang presyo ng produkto bago ito bilhin.

Facebook Comments