Nasagip ng awtoridad ang ilang residente sa Saliente St. Brgy. Poblacion, Umingan matapos ang biglaang pagragasa ng tubig baha kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Pangasinan dulot ng Bagyong Crising noong gabi ng July 17.
Ayon sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office, naisalba ng mga Water Search and Rescue Personnel ang mga residente katuwang ang local DRRMO.
Samantala, ayon sa Umingan MDRRMO, naipon umano ang tubig ulan kasabay ng malakas na buhos mula sa bundok at may irrigation gate umano sa Brgy. Maseil-seil na naiwang nakabukas dahilan ng biglaang pagtaas ng tubig baha sa karatig barangay.
Dahil dito, muling pinagtibay ng mga disaster response groups ang koordinasyon sa iba pang ahensya upang agad marespondehan ang anumang emergency dulot ng Bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









