Ilang residente sa Urdaneta City ang maaga nang bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay tatlong araw bago ang Undas.
May ilang mag-anak ang inabutan ng IFM News Dagupan kahapon sa Urdaneta City Public Cemetery na naglilinis sa paligid ng puntod at nagkukumpuni sa musoleo na madalas isagawa ng karamihan sa pagsapit ng Undas.
Samantala, kapansin-pansin din sa bukana ng sementeryo ang hilera ng mga manlalako kung saan maaaring makapamili ng mga kandila at makakain.
Ayon sa mga nakakuha ng pwesto, isang beses lang sila nagbayad ng ticket fee at permit na epektibo hanggang November 2, 2025.
Kaugnay nito, sanib-pwersa naman ang mga law enforcement agencies at Pamahalaang Panglungsod sa pagtitiyak ng seguridad sa mga sementeryo at ibang places of convergence lalo at ilang malalaking mall at terminal ang matatagpuan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









