Ilang respondents sa Dacera case, naghain ng kontra demanda

Naghain ng kontra demanda sa Makati City Prosecutor’s Office ang ilang respondents sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Kinasuhan nina Rommel Galido at JP Dela Cerna ang ina ni Christine na si Sharon Rose Faba Dacera at Marichu Ramos Fong, Catherine Anne Facelo, at Police Corporal Louie Lopez ng mga kasong malicious prosecution, incriminating innocent persons, intriguing against honor, perjury, libel, cybercrime, slander o oral defamation.

Ang kaso ay nag-ugat dahil gusto anilang palabasin ng kampo ni Dacera na mayroong nangyaring rape at homicide – ito ay bagamat sinabi na ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang nangyaring rape at homicide.


Bukod dito, kinasuhan ng limang respondents na sina Clark Rapinan, Gregorio De Guzman, Valentine Rosale, Rommel Galido, JP Dela Cerna, ang ilang tauhan ng Makati Police kasama ang Chief of Police na si Police Colonel Harold Depositar ng mga kasong unlawful arrest, illegal detention, unjust vexation, at grave coercion.

Magugunitang si Christine Dacera ay binawian ng buhay matapos ang pagdaos ng New Year’s party kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City.

Facebook Comments