Ilang respondents sa pagkamatay ni hazing victim Atio Castillo, bigong makapaghain ng counter affidavit sa DOJ

Manila, Philippines – Nabigong makapaghain ng kanilang counter affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang ilang respondents sa kaso ng pagkamatay ni hazing victim Horacio Castillo III.

Kabilang sa hindi nakapagsumite ng kontra-salaysay si Arvin Balag na naka-detain ngayon sa Senado matapos ma-contempt nang mabigong makasagot sa katanungan ng mga senador.

Hindi rin nakapaghain ng counter-affidavit sina Zimon Padro, Edwin Uy, William Mergini, Dean Nilo Divina at Nathan Anarna.


Kabilang naman sa nakapaghain na ng kanilang counter affidavits ang dalawampu’t siyam mula sa apatnapu’t tatlong respondents.

Kasama dito sina Antonio Trangia, Ralph Trangia, Rosemarie Trangia, Mhin Wei Chan,Oliver John Onofre, Jose Miguel Salamat, Karl Matthew Villanueva, Joshua Macabali at John Paul Solano.

Iginiit naman ni Solano na mabasura ang kaso laban sa kanya dahil wala aniya siyang kinalaman sa initiation rites kay Atio.

Binigyan ng DOJ panel of prosecutors ng hanggang sa Lunes, October 30 na makapagsumite ng kanilang kontra salaysay ang mga absent sa pagdinig.

Dumalo rin sa hearing kanina ang mag-asawang Carminia at Horacio Castillo II gayundin ang mga kinatawan ng Manila Police District.

Facebook Comments