Ilang retailers, hindi rin sang-ayon sa ideya ng pagpapataw ng SRP sa bigas

Hindi sang-ayon ang ilang mga nagtitinda ng bigas sa ideyang patawan ng suggested retail price (SRP) ang mga agricultural product partikular na ang bigas.

Ito’y kasunod ng ideya at pagkokonsidera ng Department of Agriculture (DA) na magtakda ng SRP sa bigas.

Sa panayam ng RMN Manila kay Aling Rosie Andres retailer ng bigas sa Pasay Public Market, sinabi nitong hindi naman makokontrol ang presyo ng kanilang paninda lalo na’t sa kanilang supplier pa nga lang ay nagpapabago-bago na ang presyo nito.


Marami rin dapat isaalang-alang bago tuluyang makontrol ang presyo ng bigas.

Matatandaang sinabi ng DA na tanging mga magsasaka ang naapektuhan ng price limit dahil traders pa rin ang may kontrol sa presyo.

Samantala, tiniyak naman ang ahensya na may sapat ng agricultural products sa bansa partikular na sa bigas.

Facebook Comments