Humiling ang ilang retailers na sana ay maging stable na ang presyo ng kanilang mga tindang kalimitang inihahanda tuwing kapaskuhan.
Ayon kay Aling Neri Galvez, maayos na raw ngayon ang presyuhan at bumalik na sa dati ang kanilang kita, sana raw ay hindi na tumaas pa ang mga produktong binabagsak sa kanila.
Aniya, mahirap mag-adjust ng paninda lalo na’t hanap ng customers ang mura at dekalidad ng paninda.
Ang presyo kasi ng kanyang manok sa ngayon ay pumapatak lamang sa P160 hanggang P170 depende sa kinukuhanan nila.
Sa kabilang banda, wala pa naman daw pagbabago sa presyo ng karneng baboy na nagre-range lamang sa P280 hanggang P320 kada kilo depende kung liempo, porkchop o ‘yung giniling na baboy.
Sa itlog naman ay may pagtaas din ang dating mabibili mong small egg na P6 ngayon ay nasa P7.50.
Aminado ang mga tindera na kakaunti na naman ang kanilang tutubuin dahil sa bigat na naman ng kanilang puhunan.