Ilang rice retailers sa iba pang lugnsod at munisipalidad sa Metro Manila at Zamboanga, sinimulan ng bigyan ng cash assistance

Sinimulan na ng pamahalan na bigyan ng financial assistance ang ilang rice retailers sa iba pang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila at Zamboanga.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office, inatasan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ilan tanggapan ng pamahalan na imahagi na ang ayuda sa mga apektadong vrice retailers sa Navotas, Parañaque, Pateros at Zamboanga del Sur base na rin sa rekomendasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na base sa datos ng DSWD, nasa 15 rice retailers sa Pateros, 161 sa Navotas, 129 sa Parañaque at 32 Zamboanga del Sur ang makakatanggap ng P15,000 na cash assistance.


Ang mga nasabing rice retailers ay napilo ng Department of Agriculture (DA) at Department Trade and Industry (DTI) na naapektuhan ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos Jr.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ang tutulong upang maabisugan ang mga benepisyaryo hinggil sa nasabing cash assistance.

Pag-uusapan naman ng DSWD at DTI ang iba pang listahan ng mga benipisyaryo sa ibang lungsod sa National Capital Region gayundin sa mga probinsiya.

Facebook Comments