Ilang rider sa Las Piñas, nasita ng mga pulis dahil sa paglabag sa ‘no back ride’ policy

Mahigpit na ipinatupad ng Las Piñas Police ang oplan sita bilang bahagi ng nahigpit na pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Layon din nito na matiyak na lahat ng mga lumalabas sa mga pampublikong lugar ay nakasuot ng face mask.

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng quarantine ID o quarantine pass.


Ilan namang riders ang nasita dahil sa paglabag sa ‘no back ride’ policy.

Facebook Comments