Ilang ruta sa Metro Manila, ‘di nakapag-consolidate ayon sa LTFRB

Aminado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may mga ruta sa Metro Manila ang walang nag-consolidate.

Higit isang linggo bago ang paghihigpit sa mga hindi nakapag-consolidate na mga jeep.

Pero pagtitiyak ni Atty. Zona Tamayo, Regional Director ng LTFRB-NCR, may sasalo sa mga zero consolidation na ruta.


Bagama’t hindi sinabi ni Tamayo, kung saan saang bahagi ito, karamihan aniya sa mga rutang walang nag-consolidate ay short distance lamang .

Mayroon din aniyang ibang uri ng public transport sa mga nabanggit na ruta.

Sa Metro Manila, higit 20,000 PUJ ang hindi nakapag-consolidate .

Simula sa Pebrero a-1, ikukunsiderang kolorum at huhulihin ang mga hindi nakapag-consolidate na jeep.

Facebook Comments