Pinuntahan na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang e-sabong venues bilang bahagi ng kanilang pag-iimbestiga sa pagkawala ng 34 na sabungero.
Binisita ng NBI-National Capital Region ang 2 sabungan na pagmamay-ari ng Lucky 8 Star Quest Inc. ng gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.
Ito ay makaraang dito huling matagpuan ang mga nawawalang sabungero.
Ayon kay NBI-NCR Special Investigator 3 Agent Wally Palattao, pag-aaralan nila ang mga posibleng isama sa imbestigasyon at kung ano ang mga magagamit para mas mapabilis malutas ang kaso.
Una nang sinabi ng mga awtoridad na may mga “persons of interest” na silang natukoy na may kaugnayan sa mga nawawalang biktima.
Samantala, noong Biyernes ay lumutg saan pagdinig ng senado si Ang kung saan iginiit nito na pinagkakaisahan lamang siya ng ilan pang mga may-ari ng online sabong.