Ilang sako ng basura pa rin ang makikitang palutang lutang sa kailugan ng Dagupan City at makikita pa itong naaanod kung saan – saan at napapadpad sa mga kabahayan kung saan nakatayo sa gilid ng ilog gaya ng mga Island Barangay.
Nito lamang sa Brgy. Calmay, natagpuan ang isang sako ng basurang palutang lutang sa may daungan ng motorboat kung saan nagmumula ang umaalingasaw na baho nito at halos di maatim na amuyin ng mga naninirahan sa tabing ilog at maging mga namamasada.
Ayon sa ilang mga residente, nung una hindi nila malaman kung saan nanggagaling ang umaalingasaw na amoy, inisip nilang baka patay na isda lamang iyon na normal na nangyayari sa kailugan ngunit ng tignan nila ang naturang ilog, tambak ng basura ang naanod sa pangpang at ilang sako ng basura ang kanilang natagpuan kung saan doon nga nagmumula ang mabahong amoy.
Naaanod ang mga naturang basura tuwing nagha-high tide at wala naman daw magawa ang mga residente kung hindi ay alisin na lamang sa ilog ang mga basura para mawala o di kaya ay hayaan na lamang hangga sa maglowtide muli.
Sa ngayon, hiling nila ang agarang aksyon sa mga basurang nagkalat ngayon sa kailugan lalo na at nararamdaman na ang pag-ulan at high tide. |ifmnews
Facebook Comments