Naniniwala ang ilang mga sari-sari store owners sa lungsod ng Maynila na malaking tulong ang ibibigay na P15,000.00 na financial assistance na ipagkakaloob sa kanila ng pamahalaan.
Paliwanag ng ilang mga sari-sari store owners, makakabawi o kaya ay mababawasan ang pagkalugi nila sa pagbebenta ng P41.00 at P45.00 na bigas bilang pagtalima sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaan na ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pagbibigay ng financial assitance sa mga sari-sari store owners bilang tulong at reward na rin sa pagsunod nila sa EO No. 39.
Base naman sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa higit 6,000 sari-sari store owners na ang nabigyan ng ayuda habang sa lungsod ng Maynila ay inaabangan na lang ang pag-apruba sa listahan na una na nilang naipasa.
Umani rin kaliwa’t-kanang suporta at papuri mulac sa mga local government unit at kongresista ang naging hakbang ni Pangulong Marcos na bigyan ng tulong pinansyal ang mga sari-sari store owners.
Paliwanag nila, ipinapakita ni Pangulong Marcos ang pagiging malasakit sa kapwa lalo na’t ang naging desisyon hinggil sa isyu ng bigas ay para matigil na ang nangyayaring profiteering, hoarding at smuggling nito.