ILANG SASAKYAN, NAHIRAPAN SA PAGTAWID SA ISINASAGAWANG KALSADA SA MAYOMBO-PEREZ BLVD., DAGUPAN CITY

Nahirapan ang mga tricycle at motorsiklo na ito sa pagtawid sa isinasagawang kalsada sa bahagi ng Mayombo-Perez Boulevard, Dagupan City, kahapon.
Naanod na kasi ng tubig baha ang buhangin na inilagay sa nasabing bahagi kaya natira na lamang ang mga malalaking bato dahilan upang mahirapan ang ilan sa sasakyan na tumawid.
Tinulungan na lamang ng ilan sa kapwa tricycle driver ang mga sasakyan para makatawid habang ang pinilit na pinaandar ang mga sasakyan hanggang sa tuluyang makaalis.
Nakadagdag din umano kasi ang tubig na naiwan ng nagdaang bagyo noong mga panahon na iyon kaya hindi nila makita ng maayos ang kanilang dinadaanan.
Sa ngayon ay unti-unti nang humuhupa ang tubig sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod at patuloy na minomonitor ang mga isinasagawang kakalsadahan para matiyak na maayos ang mga itong naisasagawa at mapakikinabangan ng mga residente.
Facebook Comments