Ibinunyag ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na may ilan umanong nakapasok sa scholarship program ng lungsod na hindi taga-Dagupan bago ang kanyang pagbabalik sa administrasyon.
Aniya, may porsyentuhan ding nagaganap sa mga umano’y ahente para mapasama ang isang estudyante sa scholarship.
Pinag-aaralan na rin ni Mayor Fernandez katuwang ang mga barangay officials upang maiwasan makalusot ang mga ahente na naglalakad ng dokumento kapalit ng umano’y porsyento sa matatanggap na halaga.
Hihigpitan din ang pag-isyu ng Certificate of Indigency, dahil hindi umano istrikto noong bago siya umano maupo.
Kamakailan, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang 250 million pesos na supplemental budget kabilang na riyan ang pondo para sa dagdag na isang libong scholars.
Kaisa pa rin naman umano ang pamahalaang panlungsod ng Dagupan sa pagpapabuti ng mga residente nito lalo na sa larangan ng edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









