Umaapela ang ilang opisyal ng paaralan sa Department Of Education na bigyan ng pansin ang pagpapapubuti ng practical lesson at laboratories.
Ito’y para mahikayat ang mga estudyante na pumasok sa technical vocational program.
Nabatid kasi na hirap ang ilang paaralan na makumbinsi ang mga mag-aaral na kumuha ng techvoc sa K to 12 program ng DepEd.
Mas gusto daw kasi ng ilang mag-aaral na kumuha ng mga academic tracks kung saan sa datos ng DepEd umabot sa mahigit 1.6 million ang bilang noong school year 2017 to 2018.
Mahigit isang milyon naman ang nag-enroll sa technical vocational habang nasa labing apat na libo naman sa arts and sports track.
Sa kabila nito, naniniwala naman ang DepEd na hanggang ngayon ay tagumpay ang implementasyon ng K to 12 program ng pamahaalan.