Ilang seafarer na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant, nanatili sa iba’t ibang ospital

Nananatili sa ilang ospital sa Metro Manila ang apat na crew ng MV Athens Bridge na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, isa sa mga ito ang naka-intubate at tatlo ang naka-oxygen support habang lima sa mga ito ay nananatili sa isolation facility.

Aniya, ang mga crew ng MV Athens Bridge ay muling sasailalim sa COVID-19 test ngayong araw, ika-21 araw simula nang nakaramdam sila ng sintomas.


Tiniyak naman ni Vergeire na agad nai-isolate at na-test ang nasabing mga crew nang dumaong sa bansa.

Facebook Comments