Ilang sementeryo sa Metro Manila, dinagsa ng mga tao nitong weekend

Dumagsa sa maraming sementeryo sa Metro Manila ang mga nagnanais dumalaw sa kanilang yumaong mga mahal sa buhay kasabay ng nalalapit na paggunita ng All Saints Day at All Souls’ Day sa November 1 at 2.

Tulad ng nakagawian tuwing Undas, sa bukana pa lamang ng sementeryo partikular sa Manila North Cemetery ay may nakapwesto nang mga pulis upang magsagawa ng inspeksiyon sa mga pumapasok.

Bawal pa rin sa loob ng sementeryo ang mga matatalim na bagay, alak, lighter, sigarilyo, gambling materials at pabango.


Hindi rin pinapapasok ang edad-18 pababa sa loob ng sementeryo.

Simula sa October 29, sarado na ang lahat ng sementeryo sa Metro Manila at muling bubuksan sa November 2 bilang pag-iwas sa mass gathering ng mga tao.

Facebook Comments