Ilang senador, aminadong mahina ang Cha-Cha ngayon sa mga mambabatas

Aminado si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mahihirapang mailusot sa Senado ang panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Isa lamang si Dela Rosa sa iilang mga senador na bukas para amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Dela Rosa, gusto man niyang suportahan ang Cha-Cha pero 50-50 siya rito dahil alam niyang ‘lukewarm’ ang pagtrato o hindi ganoon kapursigido ang mga senador para isulong ang panukala.


Maliban dito ay mayroon ding mga pinagtibay na panukala at mga batas na nakikitang solusyon para luwagan ang mahigpit na economic provisions ng saligang batas.

Dahil dito, hati ang mambabatas sa pagsusulong ng Cha-Cha dahil kahit gusto niya, hindi naman ito gusto ng kanyang mga kasamahan.

Facebook Comments