Ilang senador, ang byaheng France para sa isang parliamentary visit

Manila, Philippines – Ilang senador ang byaheng France ngayong June 26 para sa isang parliamentary visit.

Ayon kay Sen. JV Ejercito – gagamitin nila itong oportunidad para muling pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas at European Union (EU) na pinamumunuan ng France.

Una nang nagkalamat ang relasyon ng Pilipinas at EU makaraang palagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikialam ng EU sa pinaigting na war on drugs ng pamahalaan.


Gayunman – nilinaw ng senador na ito’y boluntaryo nilang aksyon at walang basbas ni Pangulong Duterte ang pagtugon nila sa imbitasyon ng France.

Ang nasabing delegasyon ay pangungunahan ni senate President Koko Pimentel, kung saan kasama din sina Senators Ping Lacson at Loren Legarda.

Facebook Comments