Ilang senador, bumilib sa matapang na pagharap ni Pangulong Duterte sa mga raliyista

Manila, Philippines – Lalong nating matibay ang suporta ni Senator Panfilo Ping Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga programa ng adminstrasyon nito.

Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng matapang na pagharap at pakikiapg-usap ni Pangulong Duterte sa mga raliyista matapos ang kanyang State of the Nation Address kahapon.

Ayon kay Lacson, ang mapangahas na mga hakbang ni Pangulong Duterte ay ibang iba at hindi katulad ng mga uri ng lider na nagkaroon tayo.


Naniniwala si Lacson, ito ang dahilan kaya kahit nagmumura at hindi statesmanlike ang Pangulong Duterte ay nanatiling popular ito sa lahat ng mga survey.

Bunsod ng pagiging kakaiba ni Pangulong Duterte ay tiwala si Lacson na may mga pagbabago na mangyayari sa ilalim ng termino nito.

Samantala, nabanggit naman nina Senate Majority Floor Leader Tito Sotto III na sasamahan sana nila ni Sen. Gringo Honasan ang pangulo sa pagharap sa mga demonstrador kahapon pero hindi na nila itinuloy dahil baka makaabala pa sila sa pagtiyak sa seguridad ng pangulo.

Facebook Comments