Dumalaw ang ilang senador sa burol ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople.
Sa kanilang pagtungo sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig, kinilala ng mga senador ang naging ambag ni Ople sa lipunan.
Ito ay sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 83 na pinasa ng Mataas na Kapulungan.
Pinangunahan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Robin Padilla ang awarding ceremony sa pamilya ni Ople.
Ito ay tinanggap ni Estelle Ople-Osorio, ang nag-iisang anak ng kalihim kung saan nagpasalamat siya sa bumubuo ng Senado.
Facebook Comments