Ilang senador, hinimok ang publiko na tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino ngayong Pasko

Para mapalakas at matulungan sa muling pagbangon ang movie industry, hinimok ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang publiko na tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino na kalahok ngayon sa Metro Manila Film Festival o MMFF.

Ngayon araw ay palabas na sa mga sinehan ang mga pelikula sa MMFF.

Ayon kay Estrada, ang pagtangkilik sa MMFF movies ay malaking tulong para sa pagsigla ng industriya ng pelikulang Pilipino.


Si Estrada na nagmula rin sa mundo ng showbiz ay nagsulong din ng Eddie Garcia Law na layong mapahusay ang kalagayan ng mga nasa entertainment industry.

Nauna na ring hinikayat ni Senator Imee Marcos ang publiko na suportahan ang mga pelikula sa MMFF.

Sinabi ng mga senador na hindi lang ito para sa kasiyahan ng mga manunuod kundi para na rin mas mapalakas ang pelikulang Pilipino.

Aniya pa, ang MMFF ay pagkakataon para sa ating mga filmmakers na magpakitang gilas at maitampok ang galing ng mga artistang Pilipino.

Facebook Comments