Tuesday, January 27, 2026

Ilang senador, iginiit na hindi tama ang ginawa ni PCG Commodore Jay Tarriela sa presidente ng China

Mistula namang nakahanap ng kakampi mula sa ilang senador sa minorya ang Chinese embassy na bumatikos sa ilang mga opisyal ng bansa na ipinagtatanggol lang ang ating teritoryo.

Sa interpelasyon ni Senator Robinhood Padilla sa naging privilege speech ni Senator Risa Hontiveros laban sa pagtuligsa sa kanya at sa iba pang senador ng Chinese embassy, tinukoy ni Padilla ang isang post ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na ginawang katatawanan ang caricature ni China President Xi Jin Ping.

Paliwanag ni Padilla, kung ito ay gagawin ng China kay Pangulong Bongbong Marcos, ay unang-una siya na hindi papayag na alipustahin ang Pangulo.

Nilinaw naman ni Padilla na hindi niya sinasabing tama ang ginawa ng Chinese embassy sa mga kapwa senador.

Samantala, sinabi naman ni Senator Rodante Marcoleta na minsan na siyang naimbitahan sa tahanan ng Ambassador ng Chinese embassy at nagpahayag ito ng kahandaan na ayusin ang sigalot sa .

Inihalimbawa pa nito ang kasunduan na ginawa noong dating administrasyong Duterte kung saan walang naitatalang ganitong girian sa pagitan ng Pilipinas at China.

Facebook Comments