Ilang senador, kinatigan ang planong pagpapaimbestiga sa pagtaob ng Princess Aya sa Binangonan, Rizal

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang suhestyon na imbestigahan ang trahedyang nangyari sa Laguna Lake sa bahagi ng Binangonan, Rizal kung saan tumaob ang isang motorbanca na ikinasawi ng 27 katao.

Ayon kay Go, bilang miyembro ng Senate Committee on Public Services ay susuportahan niya ang anumang panawagan na imbestigahan ang insidente.

Sinabi ng senador na masyado pang maaga para ituro ang responsable sa pagtaob at paglubog ng Princess Aya kaya mainam na dumaan muna ito sa imbestigasyon.


Dapat aniyang malaman kung tama ba ang ang pagpayag ng Philippine Coast Guard na makapaglayag ang bangka nang makalabas na ng bansa ang bagyong Egay.

Aalamin din kung ang naturang motorbanca ay seaworthy o sadyang napakalakas lang ng hangin at alon ng mga oras na iyon.

Pagbibigay diin pa ni Go, mahalagang lumabas ang katotohanan upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang tunay na may kasalanan.

Facebook Comments