Ilang senador, magsasagawa ng inspeksyon sa POGO hub sa Porac, Pampanga

Magsasagawa ng inspeksyon ang ilang mga senador sa iligal na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, hinihintay lang nila na matapos ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa paghahalughog sa bawat gusali ng Lucky South 99.

Binigyan ng sampung araw ang PAOCC na tapusin ang kanilang search warrant sa POGO hub at pagkatapos aniya nito ay saka sila pupunta roon para magkasa ng inspeksyon at sariling imbestigasyon.


This slideshow requires JavaScript.

Giit ni Gatchalian, kinakailangang mailantad ang modus operandi ng POGO sa Porac at hindi aniya sila pwedeng mapagod dito.

Muli ring nanawagan si Gatchalian kay Pangulong Bongbong Marcos na gamitin na ang kapangyarihan nito na magpatupad na ng total ban sa mga POGO lalo’t maituturing na itong national security threat sa bansa.

Facebook Comments