Ilang senador, may kondisyon kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo para payagan ang hinihiling na Executive session

Hinamon ng ilang senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kumbinsihin sila nito sa hiling na Executive session.

Humihirit ang kampo ni Guo ng Executive session sa Senado upang doon ilahad ang ginawang pagtakas at ang kaugnayan ng sinibak na alkalde sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa kanilang lugar.

Kung si Senator Joel Villanueva ang tatanungin, ayaw talaga niyang pahintulutan ng Senado na mag-Executive session kay Guo lalo’t niloko na tayo nito.


Kailangan aniyang kumbinsihin ng husto ni Guo ang mga senador na mayroong bearing at mabigat ang babanggitin niyang impormasyon para payagan siyang sumailalim sa Executive session.

Handa namang sumunod si Villanueva sa kung anong desisyon ng mga miyembro ng Senado pero may hirit din ang senador na gusto niya ring malaman kung ano ang gustong sabihin sa pagkakataong ito ni Guo sakaling pagbigyan ang Executive session.

Facebook Comments