Naghain ng resolusyon ang ilang senador upang iatras na ang kaso laban kay dating Senator Leila De Lima at palayain na ito.
Sa inihain na resolusyon ng ilang miyembro ng minority bloc na sina Senate Minority Leader Kiko Pimentel at Senator Risa Hontiveros, hinimok nila ang Department of Justice (DOJ) na i-atras na ang mga natitirang charges laban sa senadora.
Ipinunto pa rito ang pag-aatras ng tatlong testigo sa kaniyang kaso.
Dagdag pa nila, may isang senador mula sa mayorya ang nagpakita ng suporta sa isinusulong nilang resolusyon ngunit hindi nila ito pinangalanan.
Sinabi naman ni Justice Secretary Boying Remulla na nasa hurisdisyon na ng Muntinlupa Trial Court ang kaso ni De Lima at ito lamang ang kapangyarihan na magdesisyon ukol sa kaso.
Facebook Comments