Ilang senador, naglabas ng pahayag hinggil sa pagbisita ng mga pulis sa tirahan ng ilang media personalities

Naglabas ng pahayag ang ilang senador hinggil sa isyu ng pagbisita ng ilang pulis sa tirahan ng mga mamamahayag nitong weekend.

Para kay Senator Sherwin Gatchalian, dapat alamin ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) kung paano nakuha ng pulis ang home address ng mga naturang mamamahayag at kung sino ang nagbibigay.

Pinagpapaliwanag din Senator Jinggoy Estrada ang Pambansang Pulisya kung bakit kailangan bumisita ang kanilang tauhan nang walang uniform at kung bakit hindi na lang ito nakipag-ugnayan sa mga media companies.


Ayon kay Estrada, patunay na paglabag ito sa Data Privacy Act at dapat managot ang mga nasa likod nito.

Naiintidihan naman ni Senator Risa Hontiveros ang agam-agam ng ilang media personalities hinggil sa kanilang kaligtasan kasunod na rin ng pamamaril sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Hontiveros, sa panahong ito ay mas kailangan ang malaya at matatag na media upang hindi ito magdulot ng chilling effect sa malayang pamamahayag.

Facebook Comments