Ilang senador, naglabas ng pahayag sa pananaw ni Pangulong Duterte hinggil sa iligal na droga

Nagbigay ng iba’t ibang pahayag ang mga Senador kaugnay sa naging pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban ng bansa sa iligal na droga, kung saan sinabi nito na benepisyo ang hatid ng laban ng publiko at hindi kapahamakan.

Ayon kay Senator Ronald dela Rosa, unang Chief ng Philippine National Police (PNP) na nanguna sa laban sa droga, sang-ayon siya sa sinabi ng Pangulo dahil ang tanging rason lamang kung bakit sinimulan ito ay para mapabuti ang lagay ng mga Pilipino.

Iginiit naman ni Senate President Vicente Sotto III na dapat ay naging holistic o malinaw ang paraan ng pagtugon ng gobyerno upang masolusyunan ang problema sa iligal na droga.


Para naman kay Senator Panfilo Lacson, sinabi nito na naiintindihan niya ang sinabi ng Pangulo dahil takot din ito na mapanagot siya ng mga biktima at pamilya ng mga ito.

Maliban sa mga senador, nagpahayag din ng pagkondena sa pahayag ang ilang human rights group dahil sa umano’y naganap na paglabag sa karapatang-pantao.

Facebook Comments