Nababahala nang husto ang ilang mga senador sa pagbaba ng taripa sa imported na bigas at ang pagpapanatili ng lowered tariff rates sa iba pang pangunahing produkto hanggang sa 2028.
Ayon kay Senator Imee Marcos, ayaw man niyang palaging ginagawa siyang kontrabida ngunit hindi niya masikmura ang mas pinababa pang taripa lalo na sa bigas.
Nababahala ang senador na babaha ng imported na bigas sa mga palengke at ninanais ba natin ang mga local rice producers na mamatay na lamang ang hanapbuhay.
Samantala, tanong naman ni Senator Risa Hontiveros kung ang layunin ay bigyan ng higit na proteksyon at suporta ang mga domestic producers at mga magsasaka ay bakit binabaan ang taripa sa imported na bigas.
Aniya pa, matindi nilang pinag-aaralan ang naging hakbang na ito ng gobyerno lalo’t sobrang nagaalala at tutol dito ang mga partners na samahan ng mga magsasaka at iba pang rural sectors na nagsusuplay ng bigas.