Ilang senador, nagpahayag ng pagsuporta sa pagbangon ng Taiwan

Nagpahayag ang ilang mga senador ng suporta sa Taiwan matapos itong yanigin ng malakas na lindol kahapon.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, nakikiisa ang Senado sa Taiwan ngayong humaharap sila sa pagsubok kasabay ng pag-alok ng suporta sa naturang bansa habang itinataguyod at bumabangon muli ang mga mamamayan doon.

Hinimok ni Pimentel ang Department of Foreign Affairs (DFA) na iprayoridad agad ang kapakanan ng mga kapwa Pilipino sa Taiwan na naapektuhan ng lindol.


Nagpahayag din si Senator Grace Poe ng pakikisimpatya sa mga Taiwanese at iginiit ang suporta sa mga indibidwal na naghahatid ng emergency assistance at nagsasagawa ng rescue sa mga biktima ng lindol.

Umaasa rin ang senadora na malayo sa kapahamakan ang mga kababayang nasa lugar na pinakanaapektuhan ng lindol.

Facebook Comments