
Ikinalito ng ilang mga senador kung itutuloy pa ba ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon tungkol sa anomalya ng flood control projects.
Ayon kay Senator Imee Marcos, may nabalitaan siya na hindi na magpapatawag ng pagdinig ang komite at maglalabas na lamang ng partial report ang chairman ng Blue Ribbon na si Senate President pro-tempore Panfilo Lacson.
Sa kabilang banda, ibinalita rin sa kanila sa oposisyon na ipapatawag sa susunod na pagdinig sina dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez at dating Congressman Elizaldy Co.
Wala pang tugon si Lacson tungkol sa balitang ititigil na ang imbestigasyon sa mga ghost at substandard projects.
Samantala, hindi pa ulit nagtatakda ng petsa ang Blue Ribbon Committee para sa susunod na pagdinig dahil may hinihintay pa na ilang developments ang komite.









