May inihanda ng tulong si Senator Manny Pacquiao para sa mga sinalanta ng bagyong Odette.
Kasabay nito ay umapela din si Pacquiao sa kanyang mga kaibigan sa mga katulad nya ay tumatakbo din sa pagkapangulo sa 2022 elections na magbigay din ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Bilang reaksyon sa panawagan ni Pacquiao ay sinabi naman senator Panfilo “Ping” Lacson na kahit sa mga nagdaang kalamidad ay talagang nagbibigay sya ng tulong.
Pero ayon kay Lacson, bahagi ng kanyang prinsipyo na huwag ng ipakita pa sa media ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Para kay Lacson ang “calamity politics” ay maituturing na pinakamababang uri ng pangangampanya.
Si Senator Francis Kiko Pangilinan naman ay humiling din sa mamamayan ng bilang tradisyon ng Pasko ay mas mainam na regaluhan ngayon ang mga nasalanta ng bagyong Odette.
Umaasa si Pangilinan na muli nating maipapamalas sa buong mundo na sa kabila ng napakaraming pagsubok na ating kinakaharap, ang mga Pilipino ay likas na may malaking puso at pagmamahal sa kapwa.